Walang dapat ikabahala ang publiko tungkol sa pagkain ng karne ng manok at mga produkto nito at sa halip palakasin at paramihin pa ang pag-aalaga dito sa Davao del Norte.

Ito ang paliwanag ni Provincial Veterinarian Office Department Head Dr. Renato Embate sa panahon ng 3rd Regular Provincial Risk Reduction Management Council (PDRRMC) meeting kahapon, Myerkoles, Agosto 16, 2017 na pinangasiwaan mismo ni PDRRMC chairperson Gobernador Anthony del Rosario.

“With regards to the recent reported outbreak of bird flu in San Luis, Pampanga, first and foremost hindi yun dreadful in terms of transmission from bird to human kasi yung strain na yan is high pathogenic, avian influenza virus lang. .  In the case of Davao Region, specifically our province, it’s safe to say that we are free from the entry of that virus,” paglinaw ni Dr. Embate tungkol sa kumalat na agam-agam ng publiko na nakapasok na ang avian flu mula sa Luzon.

Tinanong pa ni Gobernador del Rosario ang probinsyal beterinaryo kung ang lipat na mga ibon (migratory birds) ang tagadala ng virus sa avian flu dahil ang Davao del Norte ay may malawak na latian (swampy area) sa La Paz, Carmen na naging himpilan at breeding ground ng libo-libong ibon mula sa ibang bahagi ng mundo  .

“Is the avian flu in Pampanga could be also of the migratory birds from China?” tanong ng gobernador na sinagot naman ni Dr. Embate na isa sa mga posibilidad ng pagpasok ng virus ngunit sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa ng maigi. 

Tungkol naman sa mga negosyante nang manok at mga produkto nito, sabi ng beterinaryo na hindi bumaba ang bentahan dito sa Davao del Norte at sa halip ang katumbas ang nangyari.

“Wala po. . In fact it’s the contrary, mataas. Kasi . . stamp out na yung Pampanga yung nagkaroon ng outbreak, at saka yung 7-kilometer radius na nandoon yun, thousands of birds na ni-restrict yung movement. They will now rely on poultry products from Visayas and Mindanao,” dagdag paliwanag ni Dr. Embate dahil mahigit 400,000 na manok ang pinatay upang maiwasang lumaganap ang sakit.

Hinikayat rin ng probinsyal beterinaryo ang mga nag-aalaga ng manok at lalong palakasin pa ito dahil sa malapit na ang “ber” na mga buwan, senyales ng paglakas ng bentahan.

“It is a challenge now on the part of our poultry raisers, backyard and commercial na we will grow more, we will produce more poultry. .  Sa atong mga kaigsoonan nga nagbuhi ug mga manok, we have breeder farms na nag-produce sa atin ng chicks for broiler production. . lalo na “ber” na tayo,” paghikayat ni Dr. Embate dahil ang 7-kilometrong kwarentinas sa Pampanga ay tatagal pa ng 90 na araw.

Tinitiyak ni Dr. Embate na kahit sa mga produkto ng manok gaya ng itlog at balut ay walang dapat ikatakot ang publiko dahil ligtas kainin ito.


 

More Davnor Updates at

DavNor Karon

 

DavNor News