‘SATISFIED’ ang Local Governance Performance Management System-Seal of Good Local Governance (LGPMS-SGLG) national validators hinggil sa kahandaang ipinakita ng probinsyal na pamahalaan ng Davao del Norte sa panahon ng pagtatasa kahapon, Huwebes, Agosto 17, 2017.

Ayon sa Assessment Team Leader Kenneth S. Kilat na siya ring DILG Provincial Director ng probinsya ng Siquijor na naging madali ang kanilang pagtatasa dahil sa kahandaan ng kakailanganing mga dokumento.

“I’m very happy with the preparation given by the provincial government and the functionaries because this will only happen when there is a concerted effort between the functionaries and the officials. . Ready gyod ang Davao del Norte. As far as we’re concerned, the documents are ready,” ayon kay DILG Director Kilat sa interbyu ng PTV DavNor.

Mula taong 2011, palaging SGLG awardee na ang Davao del Norte ngunit sa ilalim ng pangangasiwa ni Gobernador Anthony del Rosario, iniangat pa nito ang layunin na ang lahat nang uri ng serbisyo na maipaabot sa publiko ay makatugon sa tunay na pangangailangan ng bawat Dabaonon sa pamamagitan ng BEST PEOPLE development agenda.

“We’re very excited to present what we have here in Davao del Norte and we are confident that you will not be disappointed at hindi ho masasayang ang biyahe nyo dito,” pagbati ni Gobernador Anthony sa team ng national validators.       

Kahit sa lebel pa lang ng assessment, positibo ang team leader ng national validators na magiging maganda ang resulta para sa Davao del Norte pagdating ng Oktubre kung saan malalaman sinu-sino sa 1,715 Local Government Units ang karapat dapat tanghaling SGLG awardees.

Sa kabuohang bilang, 604 LGUs lamang ang nakapasok at dadaan ng pagtatasa kasali na doon ang mga LGUs nang Tagum City, Kapalong, New Corella, Braulio E. Dujali at mismo ang probinsyal na pamahalaan ng Davao del Norte. Ang mga LGUs ng Panabo City at Island Garden City of Samal (IGaCoS) ay nasa “on-appeal” ngunit inaasahan na makahabol bago magtapos ang iskedyul ng pagpapatunay.

“Satisfied ko, but I do not pre-judged because the ultimate judge is the central office but I’m very positive that it will bring positive result. . . Around October, the awarding will be done in regions with the most number of winners. Di pa natin matagnaan basin ug Davao del Norte pod or depende  whose got the biggest number of winners,” pahayag ng Assessment Team Leader.

Bukod sa kahandaan, pinupuri din ng SGLG validator team ang buong Kapitolyo ng DavNor sa magagandang bilding at ang mga pasilidad nito lalong-lalo na ang modernong kagamitan ng Operation Center ng PDRRMC.


 

More Davnor Updates at

DavNor Karon

 

DavNor News